Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

4:00 n.h. -- NU vs Ateneo (Juniors Finals)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAGTUTUOS ang undefeated Ateneo de Manila at perennial finalist National University sa Game One ng UAAP Season 80 juniors basketball best-of-three championship series ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nakatakda ang duwelo sa 4:00 ng hapon.

Naunang umusad ang Blue Eaglets sa kampeonato matapos makopo ang outright berth sa pamamagitan ng 14-0 elimination round sweep sa pangunguna nina sophomore slotman Kai Sotto, SJ Belangel, Dave Ildefonso, Joaqui Manuel at Jason Credo.

Nakausad naman ang Bullpups nang gapiin sa stepladder semifinals ang University of Santo Tomas sa pamumuno naman nina Rhayyan Amsali, Terrence Fortea, Matthew Manalang, Miguel Oczon at Pao Javillonar,

Para kay Blue Eaglets coach Joe Silva, kakaibang Ateneo team ang matutunghayan ngayong hapon dahil nagawa nilang makapaghanda sa nagdaang break nila habang naghihintay ng makakatunggali.

“I feel that during the break we were able to improve on our weaknesses and we were able to rest. Also, because of the long break we were able to prepare well,” sambit ni Silva.

Para naman sa kanyang unang pagpasok sa Finals bilang Bullpups coach, minarkahan ni Goldwin Monteverde ang dalawang Eaglets na kailangan nilang bantayan.

“We’ll give our best against Ateneo. We have to improve our defense, especially kay (SJ) Belangel and Kai Sotto,” ani Monteverde.