Ni Fer Taboy

Tinambangan at napatay ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang konsehal ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay kinilala ni Senior Supt. Agustin Tello, director ng Maguindanao Police Provincial Office, na si Sahabudin Hadji Uta, ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan.

Kaagad namang tumakas matapos ang insidente ang grupo ni Kumander Haon, ng MILF, na sinasabing mahigpit na kaaway ng pamilya ng konsehal.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Ilang minuto bago ang insidente, naglalakad ang konsehal patungong munisipyo upang dumalo sa BPAT meeting nang tambangan ng grupo ni Haon, na armado ng matataas na kalibre ng baril, ayon sa report.

Tinangka pang isugod sa Maguindanao Provincial Hospital ang biktima ngunit nasawi rin ito, dahil sa tama ng mga bala sa katawan.