Ni Aaron B. Recuenco

Wala pa ring ibinibigay na timetable ang Malacañang sa pagpapalawig sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang inihayag kahapon ni dela Rosa at sinabing hihintayin pa niya ang kautusan ng Malacañang habang hindi pa niya natatapos ang tatlong-buwang extension ng kanyang duty bilang PNP chief.

“I was told it’s indefinite so I will just wait for the order on how definite is the indefinite,” ani dela Rosa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si dela Rosa, ng Philippine Military Academy Class of 1986, ang kauna-unahang hepe ng PNP ni Pangulong Duterte na magreretiro na sana nitong Enero 21, 2018 ngunit pinalawig sa puwesto hanggang sa Abril 21, 2018.

Sa isang pagpupulong nitong Miyerkules, sinabi ni dela Rosa na hindi na niya itinanong sa Pangulo kung kailan siya bababa sa puwesto.

“We discussed some matters but I did not ask him about how long I am going to serve. Knowing him, he does not like those questions,” ani dela Rosa.

Alinsunod sa batas, maaari pang manatili sa puwesto si dela Rosa ng hanggang isang taon pagkatapos ng nakatakdang pagreretiro niya, bagamat maaari makapagsilbi kahit lagpas sa itinatadhana ng batas kapag nagkaroon ng national emergencies, katulad ng umiiral na batas militar sa Mindanao.