Ni NORA CALDERON

DATING magkasama sa ABS-CBN News & Current Affairs sina Gretchen Ho at Atom Araullo at regular na napanood na magkasama sa Umagang Kayganda.

Gretchen Ho 021918 copy

Si Gretchen ay dating volleyball player ng Ateneo Lady Eagles at ngayon ay isa nang television host. Tulad ni Atom, madalas din siyang mag-cover ng sports events here and abroad. Si Atom naman ay gumagawa ng documentaries sa Kapamilya Network bago lumipat sa GMA News & Public Affairs last December.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang TV host na si Robi Domingo ang boyfriend noon ni Gretchen, pero nagkahiwalay na sila.

Naintriga ang netizens nang mag-post si Gretchen ng, “Waiting for my Lifetime Valentine” na napapalibutan siya ng heart designs. At lalong naintriga ang marami nang sumagot si Atom ng, “Stop!” na sinagot naman ni Gretchen ng question marks.

Pero ayaw pumayag ang fans nina Gretchen at Robi sa balitang mukhang may namumuong something kina Gretchen at Atom.

Kung natutuwa man ang fans nina Gretchen at Atom, kabaligtaran naman ang fans nina Gretchen at Robi na gusto nilang ang maging lifetime Valentines ng isa’t isa.

Pero almost a year nang hiwalay sina Gretchen at Robi, at wala naman daw move si Robi na balikan si Gretchen.

Ano ba talaga ang reason ng break-up nila? Si Robi ay na-link sa isa pang Kapamilya, si Sandara Park.