PINULBOS ng defending men’s champion University of the East ang De La Salle, 4-1, habang binokya ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 5-0, sa women’s side para makumpleto ang first round sweep sa UAAP Season 80 lawn tennis tournament nitong weekend sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pinangunahan ni reigning MVP AJ Lim ang Warriors sa impresibong 6-0, 6-3 panalo kontra LA Canizares, habang namayani si Joshua Kinaadman kay Rey Mayo, 6-1, 6-0, at nagwagi si Dolfo Barquin kay Betto Orendain, 3-6, 7-6, 3-0 (retired) sa singles action.

Ginapi naman ng tambalan nina Rogelio Estaño at RJ Saga ang karibal na sina Hans Asistio at Kyle Parpan sa first doubles match, 6-3, 6-4, bago nanaig sina Jonah Cano at Qoqo Allian kina Jeric delos Santos at Justine Guira, 6-2, 7-6.

Namayani naman sa Tigresses sina Erika Manduriao, 6-1, 6-1, kontra Willow Day, Kendies Malinis, 6-1, 6-3, laban kay Danielle Carranza, at Monica Cruz kontra Dana Uy, 6-1, 6-0.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

N amayani rin ang doubles nina Precian Rivera at Ingrid Gonzales kina Therese Tan at Agnes Flores, 6-1, 6-1, gayundin ang tambalan nina Genevieve Caorte at Meanne San Jose kontra Monica Cortez at Denise Gonzales, 6-3, 7-5.

Nakuha ng UE ang apat na ties , habang nangibabaw ang UST sa tatlong ties sa first round.