BATANG Mandaluyong ang nanguna sa PSC-Pacman Cup. PSC PHOTO
BATANG Mandaluyong ang nanguna sa PSC-Pacman Cup. PSC PHOTO

APAT na miyembro ng Mandaluyong ang umusad sa semifinal ng Philippine Sports Commission-Pacquiao Amateur Boxing Cup-Luzon nitong Sabado sa Binan Town Plaza sa Binan, Laguna.

Pinangunahan nina Nicky Boy Oladive at Dave Asi Laurejas ang ratsada ng Mandaluyong sa impresibong referee-stopped-contest sa quarterfinal round ng juniors division.

Ginapi ng 15-anyos na si Oladive si RG Erestain ng Sorsogon sa first round ng kanilang light flyweight division. Namayani naman si Laurejas, 15, kay Michael Vincent Borja ng La Union sa second round ng bantamweight division.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umusad din sina Remart Gomez, nagwagi kay Ronnie Husi ng Olongapo via unanimous decision sa light bantamweight, gayundin si B-Boy Cenita via walkover kay Ronald Carullo sa pinweight class.

Gaganapin ang semifinals sa Lingayan, Pangasinan sa Marso.

Iginiit ni coach Maura Garcia na malaki ang naging tsansa ng mga batang Mandaluyong dahil sa suporta ng kanilang mga opisyal.

“Maganda ang kundisyon nila,” aniya.

Sa pinweight division, namayani sina Jeyron Tiger Villamor ng Camarines Norte, Albert Hagad ng Sorsogon Province, at Krisanto Clete ng Olongapo, habang sa light flyweight class, nanguna sina Jovanie Boyones ng Binan, Jhonmark Miranda ng Tayabas at Alexander Almacen ng Binan.

Sabak naman sa light bantamweights sina Lester Cadiz ng Iriga, Renzo Ruiz Abayon ng Sorsogon Province, at Tristan Culaling.