Ni Fer Taboy

Nasukol na ng pulisya ang isang pulis na wanted at limang iba pa na pinaghahanap sa magkakaibang kaso, sa isinagawang operasyon sa Southern Leyte kahapon.

Ang mga ito ay kinilala ni SPO4 Eladio Alo, deputy chief ng Bobon Municipal Police, na sina PO1 Alvin Joseph Baluyot, 27, nakatalaga sa 803rd Maneuver Company; Rene Monticalvo; Marissa Lestajo; Marlon de Leon, 18; Orlando Camposano, 73; at Tiotemo Norcio, 42 anyos.

Sa pagsisiyasat, unang naaresto ang magka-live-in na sina Monticalvo at Lestajo sa kanilang lugar sa Barangay Dancalan, Northern Samar; sumunod si De Leon, na nadakip sa bahay nito sa Bgy. Eduran sa Bobon, sa kasong frustrated murder.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naresto naman si Camposano kaugnay ng paglabag umano sa Article 266-A ng Revised Penal Code; habang dinakma si Norcio sa frustrated homicide.

Dinampot naman ang pulis na si Baluyot kaugnay ng kinakaharap na paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act).