Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Isang 31-anyos na lalaki ang nalunod matapos itong maligo sa isang beach resort sa Lingayen, Pangasinan, kasama ang mga kaibigan, nitong Biyernes ng umaga.

Hinala ng Lingayen Police, hindi masyadong marunong lumangay si Rogelio Trinidad, ng Ruby Ville, Baesa, Caloocan City, nang lumusong ito sa beach.

Sinabi ng pulisya na napansin ng mga kaibigan na unti-unting tinatangay ng malakas na alon si Trinidad sa Barangay Maniboc.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nang maiahon, isinugod sa ospital si Trinidad ngunit namatay din ito.