Ni Nora Calderon

NAGKABALIKAN pala sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Matagal din silang naging magkasintahan noong nasa TV5 pa sila, pagkatapos nilang manalo sa Artista Academy. Pero almost one year na silang nag-break, nang panahong lumipat si Vin sa ABS-CBN at si Sophie naman ay naging contract star ng GMA-7.

Sophie & Vin Bali, Indonesia copy

Karina Bautista, PH navy reservist na

Nagsama pa sila sa pelikulang Moonlight Over Baler na habang nasa promo period ay sinabi nilang tapos na ang relasyon nila, at pareho silang loveless.

Pareho kasi nilang gustong mag-focus sa kani-kaniyang career.

Huli naming nakausap si Sophie sa grand launch ng The One That Got Away na siya ang gumaganap bilang current girlfriend ni Dennis Trillo. At iyon pa rin ang sagot niya nang tanungin kung may lovelife na siya. Wala, loveless pa rin siya. 

Pero nitong Valentine’s Day, mukhang nagkabalikan na sila ni Vin dahil pareho silang nag-post sa Instagram account nila na magkasama sila sa Bali, Indonesia. Ang sweet-sweet ng mga pose nila at comments nga ng fans nila, mukhang hindi naman sila nag-break o hindi pa rin nakalimutan ang isa’t isa kung nagkahiwalay man.  

Mukhang nakatulong kay Sophie ang pagbabawas niya ng weight para sa TOTGAdahil napakaseksi niya sa photos na kuha sa Bali. 

Wala pang bagong project sa Dos si Vin after ngWildflower at si Sophie naman ay wala pang taping sa TOTGA. Hindi namin alam kung babalik pa siya as Chanel, na sa iniwan niyang eksena, ay umalis sa bahay ni Dennis dahil preggy siya sa first boyfriend niya.