Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Letran vs EAC (jrs semis)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

1:00 n.h. -- Arellano U vs Perpetual Help (men’s finals)

3:30 n.h. -- Awarding Ceremonies

4:00 n.h. -- Arellano U vs San Beda (women’s finals)

TARGET ng University of Perpetual Help System Dalta na tuluyang makalapit sa hinahangad na title sweep sa men’s class sa pakikipagtuos sa Arellano University ngayon sa Game 1 ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Winalis ng Altas ang nine-game elimination round at kailangan na lamang ng dalawang panalo sa best-of-three title series para sa kampeonato.

Makakaharap nila ang Chiefs, nakausad sa finals nang talunin ang St. Benilde Blazers, 25-22, 28-26, 25-23, sa stepladder semis nitong Martes.

Pangungunahan ni MVP at Rookie of the Year Joebert Almodiel ang Altas sa laro ganap na 3:30 ng hapon. Puntirya ng Altas na makamit ang ika-11 titulo sa volleyball.

“We’re happy to be back in the finals and we’ll do our best to give the school another championship,” sambit ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Sa women’s division, target naman ng Arellano U na makasikwat ng back-to-back title laban sa San Beda sa 4:00 ng hapon.

Umusad ang Lady Chiefs sa best-of-three finals nang gapiin ang Jose Rizal Lady Bombers, 25-13, 25-20, 25-17, habang ginapi ng Lady Red Spikers ang Perpetual Help Lady Altas, 25-21, 25-15, 25-23.

“We got to be solid in our defense as well as in our receive,” pahayag ni Arellano coach Obet Javier.