Simmons at Mitchell, liyamado sa NBA Rookie Award

LOS ANGELES (AP) – Sa gilas at husay, swak na si Ben Simmons sa All-Star.

Ngunit, dismayado ang batang player dahil hindi siya napansin nang maghanap ng pamalit sa na-injured na player si Commissioner Adam Silver para sa lineup ng Eastern Conference.

Ngunit, hindi dapat magmadali ang pamosong rookie forward ng Philadephia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He’s a young player that has a bright future that is going to have a long and steady All-Star career,” pahayag ni Hall of Famer and TNT analyst Reggie Miller.

Tulad niya, sigurado nang may paglalagyan sa mga susunod na season si Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

Nakasentro sa dalawa ang labanan para sa NBA rookie of the year ngayong season.

“I’m going to throw it out there, I like the whole Grant Hill and Jason Kidd co-rookie of the years,” sambit ni Miller. I’ll throw that out there now because I think both are well-deserving of it.”

Noong 1995, pinagsaluhan nina Hill at Kidd ang ROY award. Inaasahang makakasama ang dalawa sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame sa susunod na summer.

Posibleng matularan nina Simmons at Mitchell ang karanasan ng dalawa,

Sa NBA All-Star Weekend sa Biyernes (Sabado sa Manila), kasama sina Simmons at Mitchell sa Rising Stars. Magkasangga ang 6’10 na si Simmons at Mitchell sa US team laban sa World.

Nasa line-up din sina (US) Kris Dunn (Chicago), John Collins and Taurean Prince (Atlanta) and De’Aaron Fox (Sacramento). Rookie of the Year Malcolm Brogdon ng Milwaukee, habang nasa (World) sin a Lauri Markkanen (Chicago), Dario Saric (Philadelphia), Buddy Hield and Bogdan Bogdanovic (Sacramento), Jamal Murray (Denver), Domantas Sabonis (Indiana), Frank Ntilikina (New York) at Dillon Brooks (Memphis).

WOLVES 119, LAKERS 111

Sa Los Angeles, hataw si Taj Gibson sa career-high 28 puntos para sandigan ang Minnesota Timberwolves kontra Los Angeles Lakers, 119-111.

Nag-ambag si Butler ng 24 puntos at tumipa si Jeff Teague ng 20 para sa Wolves (36-25) bago ang All-Syar break.

Nanguna si Julius Randle sa Lakers (23-34) na may 23 puntos.