Ni Ernest Hernandez

HINDI matatawaran ang tapang ni Emmanuel ‘Boybits’ Victoria sa hard court. At sa bawat laban, asahang buhos ang lahat sa dating PBA Rookie of the Year – kasama na ang pamato’t panabla.

boybitz copy

Ngunit, matapos ang mahigit isang dekada nang lisanin ang pro league, iba pang laban sa buhay ang kasalukuyang sinusuung ni Boybits, gayundin ang kanyang mga mahal sa buhay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyang nakikipaglaban sa buhay ang isa sa pinakamahusay na point guard na naglaro sa collegiate hanggang sa pro league matapos isugod sa ICU ng San Juan de Dios Hospital. Kamakailan lamang, nasuri ng mga ispesyalista ang karamdaman ni Boybits -- Guillan-Barre Syndrome (GBS) – isang pambihirang sakit kung saan inaatake at pinahihina ng virus ang nerve cells ng peripheral nervous system.

Ayon sa nakababatang kapatid na si Bing, lumalala ang kalagayan ng kapatid.

“May mga symptoms na maging slower ang recovery daw ni Boy,” pahayag ni Bing.

“Doctor is transparent enough to say respiratory is already damaged too. That is why, within the week or sooner, he will do a tracheostomy. Aalisin intubation, bubutasan siya sa throat, at nakakabit sa ventilator/respirator kasi yun ang best supportive care for him in the long run,” aniya.Sa kasalukuyan, humihinga si Boybits sa tulong ng life support machines.

“Until he can breath on his own ang pagtanggal ng ventilator. Ventilator din ang rehab ni Boy (re: respiratory muscles niya). He is still in GBS critical period this week, until next, rough estimate,” aniya.

Nagsimula na ring mapektuhan bunsod ng komplikasyon ang paningin ni Boybits, gayundin ang respiratory muscles, upper at lower extremities. Kumakain siya sa pamamagitan ng ‘tube feeds’.

Mula sa San Beda College hanggang sa Swift Mighty Meaty, Sunkist, at San Miguel Beer sa PBA, napatanyag si Boybits hindi lamang sa angking kagisigan, higit ang talento sa sports na minahal niya ng kanyang buong katauhan.

Sa kasalukuyan, hinihiling ng pamilya ni Victoria ang panalangin para sa lubusan niyang kagalingan at pinansiyal na tulong para masustinihan ang malaking halagang kinakailangan sa kanyang pang-araw-araw na gamutan.