Ni Orly L. Barcala

Nalambat na ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police ang murder suspect na itinuturing na most wanted sa lungsod nang mabisto ang pinagtataguan nito sa Aklan, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Malabon Police ang suspek na si Alvin Alejandro, 41, dating taga-Barangay Letre, Malabon City.

Si Alejandro ay dinakma ng pulisya sa Barangay Camanci, Batan, Aklan matapos silang makatanggap ng impormasyon na sa lugar ito nagtatago.

Probinsya

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan

Kinumpirma ni Senior Insp. Johnny Baltan, ng Malabon Police, na hawak nila ang arrest warrant ni Alejandro nang isagawa ang operasyon.

Ang suspek ay akusado sa pananaksak at pagpatay sa isang lalaking kalaro nito sa pool noong 2015.