Ni PSC-PSI
DAVAO CITY – Hiniling ng mga estudyanteng nakibahagi sa ‘The Communicate Sports’ – ang dalawang araw na Sports Journalism for the Youth seminar – na itinaguyod ng Philippine Sports Commission, na magkaroon ng ikalawang yugto para mas mapa-angat ang kanilang kaalaman at higit pang maunawaan ang iba pang isyu sa sports.
Kabuuang 300 estudyante mula sa Davao at karatig lalawigan sa Minadanao ang nakiisa sa programa.
Ayon kay PSC public communications office head Emmalyn Perez de Tagle-Bamba, Project Development Officer III, napuno ng pagbati at positobong mensahe ang evaluation form na ipinamahagi ng ahensiya.
“We asked the participants to fill up evaluation and personal data sheets for our data base. All topics in the two-day seminar got positive feedbacks. They suggest that in future undertakings we could include sports broadcasting, writing sports editorials and columns, to have longer workshops and critique and how to cover a live sports event,” pahayag ni Bamba.
Kabilang si Sun.Star Davao sports editor Marianne L. Saberon-Abalayan sa resource speaker sa naturang seminar kung saan tinalakay niya ang sportswriting na inilarawan niya na isang walang katapusang pag-aaral.
“You don’t have to learn everything about any sport at once, it’s a continuing process of learning. Read more how other sports stories are written. Watch a live game. Watch games on TV and listen to the commentators and understand how the games are being played,” pahayag ni Abalayan.
Aniya, ang pagkakaroon ng maayos na ‘networking’ ay isang mabisang paraan para makuha ang hinahanap na istorya na sapat sa impormasyon na nagmula mismo sa mga taong sangkot.
Tinalakay naman ng beteranong columnist at professor na si Ed Fernandez ang topic sa ‘photography and design’ para mabuo ang maayos na sports page.
Pinangansiwaan ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, dati ring miyembro ng sports fraternity bilang sports editor ng Sun.Star Davao, ang pamamahagi ng ‘certificates of participation’ sa lahat ng kalahok.
Nakatakda magsagawa ng parehong programa ang PSC sa Batangas.
“We also plan to have one in Cebu,” pahayag ni Bamba.