Nina MARY ANN SANTIAGO at FER TABOY

Isang parish priest ang nasawi nang ma-hit-and-run ng isang truck habang sugatan naman ang kanyang assistant priest, nang sabay silang maaksidente sa magkahiwalay na lugar sa Guiuan, Eastern Samar, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Basyang’, nitong Martes ng hapon.

Sa report na natanggap ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dead on the spot si Fr. Moses Campo, kura paroko ng Guiuan, sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.

Ayon sa CBCP, lulan ng kanyang kotse ang pari habang tinatahak ang national highway sa Barangay Naparaan sa Salcedo nang mabangga ito ng isang truck, na mabilis na tumakas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinutugis na ngayon ng pulisya and driver ng truck upang papanagutin sa kaso.

Bago ito, nasangkot din sa aksidente si Fr. Edmel Raagas, assistant priest ni Caampo, nang bumangga ang sinasakyan nito sa isang poste sa Bgy. Anuron sa bayan ng Mercedes.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, lumiyab ang kotse ng pari na kaagad na nailabas ng ilang motorista sa kanyang sasakyan.

Nasa opisyal pa rin sa Tacloban City si Fr. Raagas dahil sa mga paso sa katawan.

Sa imbestigasyon, parehong patungo ang dalawang pari sa Guiuan nang mangyari ang aksidente, matapos silang dumalo sa clergy meeting at recollection sa Borongan.