Pinagbawalan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng kahit na anong uri ng disciplinary action, na maaaring maging delikado sa mga drug personality na nagnanais na sumuko sa mga ito.

Ito ay makaraang makarating sa pulisya ang ulat na ilang drug surrenderer sa Lamitan, Basilan ang pinalo ng paddle ng mga opisyal ng barangay bilang parusa.

“As far as the PNP is concerned, this practice is not included in our police operational guidelines,” sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao sa Balita. “This can never be acceptable under any circumstances as it constitutes a criminal act under the Anti-Torture Law.”

Kamakailan, isiniwalat sa isang report na pinarusahan ng mga opisyal ng Barangay Balas sa Lamigan ang mga drug surrenderer sa dalawang beses na paghataw ng paddle na gawa sa fiber glass.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Higit naman umano sa dalawang palo ang natanggap ng mga sangkot sa mas malalang ilegal na aktibidad.

Depensa naman ni Ibrahim Ballaho, chairman ng Bgy. Balas, tinanong niya ang mga sumuko kung handa silang harapin ang parusa ng kanilang mga ginawa at pumayag umano ang mga ito.

Sinabi naman ni Bulalacao na ang mga sangkot na opisyal “will be investigated through proper channel.”

“We invite the victims to come to us so we can initiate a formal investigation,” ani Bulalacao.

Magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente ang Commission on Human Rights. - Martin A. Sadongdong