Ni Gilbert Espeña

TUTULAK ang fourth-leg eliminations ng Chess Education For Age-Group (CEFAG) Chess Championships sa Calamba ngayon, sa Activity Center, Waltermart Makiling-Calamba, Laguna.

Tulad ng first three elimination sa iba’t ibang lugar, nakataya sa Calamba leg ang slot sa finals sa Mayo 6, 2018 sa Waltermart sa Sucat, Parañaque City, kung saan ang top ten (10) spots sa elementary at high school divisions ay magkakasubukan.

Inaasahan na full-packed field ang Calamba stop sa grass roots tournament ng National Chess Federation of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng Calamba Chess Society, sa pamumuno ni President Ernie Gonzales at event organizers na sina sportsman Ed Madrid, National Arbiters Boyet Tardecilla, Ernie Baltazar at Jeffrey Santos.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ipapatupad ang five (5) rounds swiss-system rapid chess tournament na may time control twenty-minutes (2) plus five (5) seconds time delay mode bawat manlalaro para tapusin ang laro.