james copy

Cavs, nakalusot sa buzzer-beating jumper ni LeBron; Pistons at Rockets, humarurot.

CLEVELAND (AP) – Naisalpak ni Lebron James ang fadeaway jumper sa buzzer para sandigan ang Cavaliers sa makapigil-hiningang 140-138 panalo sa overtime laban sa Minnesota Timberwolves nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Tinanggap ni James ang bola mula sa halfcourt inbound at nakakuha ng puwang sa depensa ni Jimmy Butler para sa game-winning shot na nagpanumbalik sa kaayusan sa Cavs matapos ang isyu nang posibleng paglipat ni James sa Golden State Warriors at magkasunod na blowout loss.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hataw si James sa naiskor na 37 puntos, 15 assists at 10 rebounds para sa ikasiyam na triple-double ngayong season.

Nagtala ang Cleveland ng 21 three-pointer, kabilang ang lima mula sa All-Star team captain.

Nagawang makahabol ng Minnesota mula sa walong puntos na bentahe at naitabla ang iskor sa 124-all mula sa jumper ni Karl-Anthony Towns.

Nagpalitan ng puntos ang magkabilang panig, kabilang ang three-pointer nina Towns at James para sa 129-all sa pagtatapos ng regulation.

Kumana si JR Smith ng anim na triples para sa kabuuang 20 puntos, habang tumipa si Tristan Thompson ng 17 puntos.

Nanguna si Butler sa Minnesota (34-23) na may 35 puntos.

ROCKETS 109, HEAT 101

sa Miami, hataw si James Harden sa naiskor na 41 puntos para pagbidahan ang panalo ng Houston Rockets sa Miami Heat para sa ikaanim na sunod na panalo.

Nag-ambag si Chris Paul ng 24 puntos, pitong assists, at pitong rebounds para sa Rockets.

Kumana sina Goran Dragic at Josh Richardson ng tig-30 puntos para sa Miami, sumadsad sa ikalimang sunod na kabiguan.

JAZZ 92, GRIZZLIES 88

Sa Memphis, patuloy ang ratsada ng Utah jazz sa ikapitong sunod na panalo nang maungusan ang Memphis Grizzlies.

Nagsalansan si Ricky Rubio ng 29 puntos at walong rebounds, habang kumana si Rodney Hood ng 18 puntos.

Nanguna si Andrew Harrison sa Grizzlies na may career-high 23 puntos, habang tumipa si Marc Gasol ng 20 puntos.

PISTONS 115, NETS 106

Sa Detroit, nahila ng Pistons ang winning streak sa lima mula nang makuha si Blake Griffin sa trade a LA Clippers matapos wasakin ang Brooklyn Nets.

Kumubra si Andre Drummond ng 17 puntos at 27 rebounds, habang hataw si Griffin sa naiskor na 25 puntos para mapatatag ang kampanya ng Detroit sa playoff. Kasalukuyang nasa NO.8 ang Pistons sa Eastern Conference.

Nanguna si Allen Crabbe sa Nets na may 34 puntos.