Ni Aaron Recuenco at Ellalyn De Vera-Ruiz

LEGAZPI CITY - Hinikayat ng mga disaster management official ang mga pribadong indibiduwal at mga non-government organization na bumili ng kanilang mga donasyon sa mismong Albay, upang makatulong na iangat ang ekonomiya ng probinsiya.

Sinabi ni Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), na ang daloy ng pera sa probinsiya ay labis nang naaapektuhan sa pagsabog ng Bulkang Mayon.

“We encourage them to buy the donations here instead of bringing in the materials they want to donate,” ani Daep.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinaliwanag ni Daep na mahigit 5,000 magsasaka ang kasalukuyang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan simula nang pumutok nitong Enero 15—na nangangahulugang ganitong bilang na rin ang nawalan ng kakayahang bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Sa kasalukuyan, bilang resulta, nahihirapan ang mga negosyante na ibenta ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Sa kasamaang-palad, binigyan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang mga disaster official ng dalawa hanggang tatlo pang buwan, bago tuluyang kumalma ang Mayon.

“With that long period, we really need to do something to avert scenario of the province suffering from financial difficulties because in the end, it is the locals here who will suffer,” saad ni Daep.

Tinatayang P30 milyon ang ilalaan ng Department of Labor and Employment (DoLE) para sa cash-for-work na target ang mga bakwit.

Gayunman, ang daloy ng pera sa Albay ay muling naisasabuhay sa pamamagitan ng turismo, dahil sa pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista na tumitigil at gumagastos sa probinsiya.

Samantala, nagbabadya na namang magbuga ng lava at usok ang bulkan sa loob ng 24 oras.

Inihayag ng Phivolcs na dalawang beses nagbuga ng lava ang Mayon nitong Linggo, 500-meter at 550-meter ang taas ng abo bandang 10:38 ng umaga at 1:52 gabi.

Nananatili pa rin sa alert level 4 ang bulkan.