OKLAHOMA CITY (AP) — Binabagtas ng Oklahoma City Thunder ang daan patungo sa pedestal sa matagumpay na eight-game winning streak. Ngunit, sa kasalukuyan, tinala naiba ang timpla ng kanilang kampanya.
Natamo ng Oklahoma City ang ikaapat na sunod na kabiguan nitong Linggo (Lunes sa Manila) nang gapiin ng Los Angeles Lakers, 108-104.
Hataw sina Brook Lopez sa naiskor na 20 puntos at Julius Randle na may 19 puntos. Kumubra si Jordan Clarkson ng 18 puntos at umiskor si Brandon Ingram ng 16 puntos para tuldukan ang 16-0 na kabiguan sa Oklahoma City.
Sa kabila nito, kumpiyansa ni Thunder guard Russell Westbrook na walang dapat ipagamba.
“Me personally, I love adversity,” pahayag ng last season MVP.
“It gives you an opportunity to bring your teammates together and bring everybody together. Looking forward to positive things. Throughout this season there is going to be a lot of ups and downs, but we never flinch. That’s one thing about this organization and about our team — we never flinch. We are always going to stay together.”
Kumubra si Westbrook ng 36 puntos, habang tumipa si Paul George ng 26 puntos. Ngunit, ang nakababahala ay ang depensa ng Thunder na nabigo sa apat sa huling limang laro na wala ang na-in jured na si Robertson.
Naisalpak ng Lakers ang 13 three-pointers.
“That’s where Andre Roberson is great, maybe the best I’ve ever seen, of being able to close down on top of shooters and get them to bounce it and then also guard it,” sambit ni Thunder coach Billy Donovan.
CELTICS 97, BLAZERS 96
Sa Boston, naisalpak ni Al Horford ang 15-foot fadeaway jumper sa buzzer para mailigtas ang Celtics kontra sa Portland TrailBlazers.
Tumapos si Horford na may 22 puntos at 10 rebounds.
“He (Stevens) had called a play for Jaylen (Brown) but they were ready for it so he kept yelling keep the ball, keep the ball,” sambit ni Horford. “It’s a shot I work on a lot and it felt good when it left my hands.”
Naisalpak din ni Horford ang game-winning shot may 3.7 segundo laban sa Houston sa kaagahan ng season, gayundin ang buzzer-beater bilang bahagio ng Atlanta kontra Washington noong 2013-14 season
Naiskor ni Damian Lillard ang huling walong puntos ng Blazers, tampok ang three-point play na nagbigay ng bentahe sa Portland 96-95 may 7.2 segundo ang nalalabi.
Nanguna si C.J. McCollum sa Blazers na may 22 puntos, habang kumana si Lillard ng 21.
HAWKS 99, KNICKS 96
Sa New York, naibuslo ni Kent Bazemore ang three-pointer may 6.7 segundo ang nalalabi para sandigan ang Atlanta Hwaks kontra Knicks.
“It’s just a catch-and-shoot situation,” pahayag ni Bazemore. “We work on plays all the time in practice where we have a guy who drives and kicks it out to somebody in the corner. It’s just a synergy and rhythm thing.”
Naghabol ang Hawks sa 93-87 sa huling 2:16.
Nagsalansan si Bazemore ng 19 puntos, habang humugot sina Mike Muscala at Taurean Prince ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si Kristap Porzingis sa New York na may 22 puntos.
BUCKS 106, NETS 94
Sa kabilang bahagi ng New York, naisalba ng Milwaukee Bucks ang tinamong ‘mild sprained’ sa kanang paa ni Giannis Antetokounmpo para wasakin ang Brooklyn Nets.
Ratsada si Eric Bledsoe sa naiskor na 28 puntos, habang kumubra si John Henson ng season highs 19 puntos at 18 rebounds para sa ikaanim na panalo sa huling pitong laro mula nang sibakin si coach Jason Kidd.
“Giannis is a big piece of our team but we got other guys that can step up, especially down the stretch, and took on that role,” sambit ni Bledsoe.
Sa iba pang laro, ginapi ng Charlotte Hornets ang Phoenix Suns, 115-110; at dinurog ng Toronto Raptos ang Memphis Grizzlies, 101-86;