Ni NORA CALDERON

Megan at Mikael
Megan at Mikael
ILANG taon na rin ang relasyon nina 2013 Miss World Megan Young at Mikael Daez na noong una ang lagi nilang sagot, “what you see is what you get.” Pero ngayon, open na sila sa relasyon nila, at natuwa nga kami sa post ni Megan sa kanyang Instagram account:

“The first time we met, we were backstage for an event. He was modeling and I was hosting. I was feeling a bit down and the venue was a bit chilly – which he probably noticed and innocently lent me his jacket. We didn’t talk much that night but his gesture left a lasting impression! 7 years later, this is how he lends me his jacket.”

Kahit matagal-tagal na rin si Megan sa GMA Network, hindi pa nagkasama sina Megan at Mikael sa isang soap. Once, nag-guest sila sa isang episode ng morning TV series na Dangwa na tampok sina Janine Gutierrez, Mark Herras at Aljur Abrenica, pero ngayon lang sila magtatambal sa bagong afternoon prime drama series na The Stepdaughters

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

with Katrina Halili na bubuo ng third wheel sa story. Nang magsimula nga raw silang mag-taping medyo may ilangan pa sila, but later on, naging comfortable na sila sa isa’t isa.

Sa serye, si Megan is Mayumi dela Rosa, maganda, intelligent, graduate ng chemistry at pangarap makagawa ng sariling make-up product line someday.

Si Mikael naman ay si Francis Almeda, handsome, smart at head product engineer. Na-meet niya si Mayumi at na-in love siya rito kahit na gustung-gusto siya ni Isabelle Salvador (Katrina), spoiled and self-centered, siya ang manager ng family’s make-up line, ang Coco Bella. Magkaiba ng parents sina Mayumi at Isabelle, at kung paano sila naging stepdaughters ay malalaman sa story na magsisimula nang mapanood sa Monday, February 12, after ng Ika-6 Na Utos.

Binati namin si Megan dahil sa full trailer pa lamang ay napanood nang palaban siya sa mga eksena niya kay Katrina na kilalang mahusay na kontrabida.

“Thankful po ako kay Katrina dahil very supportive din niya sa akin, sa mga tarayan scenes namin,” natatawang sagot ni Megan. “Thankful din po ako sa GMA sa pagbibigay sa akin ng chance na makagawa ng ganitong serye at makasama ang mga mahuhusay na artista. First time kong makakasama sina Ms. Glydel Mercado, Ms. Samantha Lopez, Angelu de Leon, Gary Estrada, Allan Paule, Sef Cadayona, Dion Ignacio, at first time din po naming magiging director si Paul Sta. Ana na isang mahusay na indie film director at first time niyang magdidirek ng isang teleserye. Sana po ay magustuhan nila ang aming afternoon prime drama series.”

Para naman sa latest updates tungkol sa The Stepdaughters, bisitahin lamang ang official website nila sa www.gmanetwork.com at sa official Facebook page nila, wwwfacebook.com/GMADrama.