ANIMO’Y pasipa na tulad sa football ang birada ni Cherry Rondina ng University of Santo Tomas sa tangkang mahabol ang bola pabalik sa karibal na La Salle sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP womenh’s volleyball nitong Sabado sa MOA Arena.  (MB photo | RIO DELUVIO)
ANIMO’Y pasipa na tulad sa football ang birada ni Cherry Rondina ng University of Santo Tomas sa tangkang mahabol ang bola pabalik sa karibal na La Salle sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP womenh’s volleyball nitong Sabado sa MOA Arena. (MB photo | RIO DELUVIO)

Mga Laro sa Miyerkules (Filoil Flying V Centre)

8:00 n.u. -- Ateneo vs Adamson (M)

10:00 n.u. -- La Salle vs UE (M)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2:00 n.h. -- Ateneo vs Adamson (W)

4:00 n.h. -- La Salle vs UE (W)

GINULAT ng Far Eastern University ang reigning men’s champion Ateneo de Manila University sa impresibong 25-18, 25-19, 25-22 desisyon kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa MOA Arena.

Nagposte si John Paul Bugaon ng 13 puntos na kinabibilangan ng 10 hits at tatlong blocks, habang sumunod naman si Jude Garcia na may siyam na attacks at dalawang blocks upang pamunuan ang nasabing upset win ng Tamaraws.

Nag-iisang tumapos na may double digit ang reigning MVP na si Marck Espejo para sa Blue Eagles na nagtala pa ng record na 16-0 sweep nang magkampeon sa ikatlong sunod na taon noong Season 79 sa itinala nitong 12-puntos.

Naging malaking bahagi ng panalo ng Tamaraws ang kanilang depensa sa net at sa floor matapos magtala ng 10 blocks at 28 successful digs kumpara sa lima at 20 ng Blue Eagles, ayon sa pagkakasunod.

Ramdam ng Blue Eagles ang pagkawala ng tatlong key players na sina Rex Intal at Josh Villanueva na nag-graduate na noong isang taon at si Tony Koyfmann na nagkaproblema naman sa academics.

Nauna rito, humanay din sa mga opening day winners National University at University of Santo Tomas ang University of the Philippines makaraang walisin ang University of the East, 25-22, 25-15, 25-13.

Pinangunahan ni Ear San Pedro ang nasabing straight sets win ng Maroons sa itinala nyang 10 hits at dalawang aces kasama sina Wendell Miguel at John Mark Millete na kapwa umiskor ng tig-11 puntos. - Marivic Awitan