Ni Freddie C. Velez

CAMP OLIVAS, Pampanga – ‘Tila naging bayani ang dalawang babaeng pulis makaraang magpaanak sa isang preso sa himpilan ng pulisya sa Angeles City, Pampanga, nitong Miyerkules ng umaga.

Ikinuwento ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador Corpus na hindi na nagsayang pa ng panahon sina SPO4 Evelyn Pineda, ng Women’s and Children’s Protection Division ng Angeles City Police Station 1; at PO1 Roosevelt Masiclat, rehistradong nurse, nang tulungan nila si Jessiebel Masdo Abaño, 33, biyuda, walang trabaho, ng San Roque, La Paz, Tarlac.

Nagsilang si Abaño ng babaeng sanggol, habang hinihintay nila ang pagdating ambulansiya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Si Abaño ay kasalukuyang nakapiit sa nasabing presinto dahil sa kasong theft.

Matapos manganak, dinala kaagad sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center ang mag-ina para sa kaukulang medical attention.