Ni Liezle Basa Iñigo
VILLASIS, Pangasinan – Pinaniniwalaang wala sa matinong pag-iisip o tuliro ang isang ama nang pagsasaksakin niya ang anak na binatilyo sa kanilang bahay sa Barangay Puelay sa Villasis, Pangasinan, kahapon.
Ipinahayag ni Chief Insp. Brendon Palisoc, hepe ng Villasis Police, na dakong 2:50 ng madaling-araw nang damputin ni Pablito Evangelista, 47, ang kutsilyo at pasukin sa silid ang anak na si Jane Dave Evangelista, 13, Grade 6 pupil, at pinagsasaksak.
Dead-on-arrival sa Ordoñez Medical Center ang biktima sanhi ng saksak sa dibdib at isa sa kamay.
Naniniwala ang pulisya na na-depress ang suspek dahil sa dami ng problema nito, kaya nagawa ang krimen.
Nakakulong na ngayon ang ama sa himpilan ng Villasis Police.