Ni Lyka Manalo

BAUAN, Batangas - Nagpakamatay ang isang 33-anyos na lalaki matapos umano silang mag-away ng kanyang misis sa Bauan, Batangas, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, si Wilmark Ron Virgino ay nadatnan ng kanyang misis na si Jolly Virgino na nakabigti sa inuupahan nilang bahay sa Barangay Aplaya sa Bauan, dakong 10:00 ng gabi.

Natuklasan sa imbestigasyon na bandang 8:30 ng gabi nang magkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pag-alis ng bahay ni Jolly.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Sinabi pa ng pulisya na bago magpakamatay ay uminom pa umano ng alak si Virgino.