Ni Liezle Basa Iñigo

SAN NICOLAS, Ilocos Norte - Pinauwi ang aabot sa 1,700 na mag-aaral ng isang elementary school sa San Nicolas, Ilocos Norte matapos na bulabugin ng bomb threat ang kanilang eskuwelahan kahapon.

Kaagad na sinuspinde ni Orlando Pascua, Principal III, ang klase sa San Nicolas Elementary School sa Barangay 3, San Ildefonso sa San Nicolas, para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.

Inihayag naman ni Chief Inspector Ryan Retotar, hepe ng San Nicolas Police, na nakatanggap ng text message ang pulisya kaugnay ng posibleng pagsabog sa eskuwelahan, kaya kaagad na rumesponde ang pulisya sa lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matapos ang clearing operation ng bomb explosives ordnance team ay idineklara nilang negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang lugar.