Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Apat na suspek ang napatay sa magkahiwalay na drug bust at checkpoint operation sa Nueva Ecija simula 3:00 ng umaga nitong Sabado hanggang 3:00 ng umaga nitong Linggo, ayon sa pulisya.

Sa Gapan City, bandang 3:00 ng umaga nang mapatay sa buy-bust si Eddie Boy Manalastas sa Barangay Mangino, Gapan City, makaraan umanong manlaban at barilin ang isang undercover policeman na binentahan umano nito ng hinihinalang shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Dalawa namang hindi pa kilalang motorcycle rider ang nakipagbarilan umano sa mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company sa checkpoint sa Gov. Joson Road sa Gapan bandang 2:14 ng umaga ng Linggo. Ginantihan ng putok at napatay ang dalawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa bayan ng San Antonio, dakong 3:15 ng umaga ng Linggo nang paputukan umano ni Alexander Bernardino, 45, ang checkpoint matapos parahin ng mga awtoridad ang minamaneho niyang checkpoint sa San Mariano-Lawang Cupang Road.