Ni ADOR SALUTA

MARAMI pa rin ang pumupuna sa akting ni Jake Cuenca, OA o over-acting daw at hindi natural.

Dahil sa bashers na hindi kumbinsido sa ipinakitang pagganap ni Jake sa matatapos na Ikaw Lang Ang Iibigin (ILAI), nag-react siya.

jAKE copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Una rito, nag-post siya ng teaser video ng ILAI sa Instagram noong January 23. May nag-comment na agad naman niyang sinagot.

Ayon sa netizen using the handle @iamrealcda: “Stress and agitated lagi si Jake everytime na uma-acting sya. Parang laging hindi mapakali. Hindi natural ang acting.”

Ang response ni Jake: “Well, if you’ve kidnapped someone the police are on your ass and you have a gun pointed at you you’d be stressed and agitated as well. If you can be chill after all that di ikaw na!”

Ang tinutukoy ni Jake ay ang character niyang si Carlos na kumidnap kay Sylvia/Clara (Isay Alvarez).

Sa teaser, nakikilagbarilan si Carlos sa character nina Gerald Anderson, Michael de Mesa, at Daniel Fernando.

Chubbuck workshopper si Jake at inaaplay lang siguro niya ang kanyang natutuhan sa kanyang Hollywood acting workshop.

After all, hindi siya kukuning Lizardo ni Coco Martin sa Ang Panday kung wala itong tiwala sa kakayahan niya.