Maryo J. delos Reyes
Maryo J. delos Reyes

Ni JOJO P. PANALIGAN

PUMANAW ang mahusay na direktor at talent manager na si Maryo J. delos Reyes nitong nakaraang Sabado, Enero 27, bandang 10:00 ng gabi dahil sa atake sa puso. Siya 65.

Ayon sa mga nakasaksi ay hinimatay siya sa party ng isang kaibigan sa Dipolog at namatay kalaunan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang malungkot na balita ng kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng kanyang manager na si June Rufino na hindi pa naglalabas ng mga detalye tungkol sa burol at libing ni Direk Maryo.

Sa kanyang karera na umabot ng apat na dekada, ang ilan sa awarded at acclaimed works ni Direk Maryo ay ang Magnifico, The Unmarried Wife, Naglalayag, A Love Story at Bagets. Sa labas ng Pilipinas, kinilala ang kanyang mga gawa sa Berlin International Film Festival at sa Brussels International Independent Film Festival.