Ni Gilbert Espeña

INIHAYAG ng Zanfer Boxing Promotions na nakakita na si WBC super featherweight champion Miguel Berchelt ng substitute fighter para sa kanyang depensa sa katauhan ni OPBF junior lightweight champion Carlo Magali ng Pilipinas sa Pebrero 10 sa Cancun, Quintana Roo, Mexico.

Bagamat No. 39 lamang si Magali sa WBC ratings para sa Enero, inaasahang papasok siya sa top 15 ng listahan para sa Pebrero matapos patulugin sa 10th round ang Hapones na si ex-world rated Masayoshi Kotani sa Tokyo, Japan noong Enero 13, 2018.

Dapat na magdedepensa si Berchelt kay dating world champion Cristian Mijares na isa ring Mexican ngunit nagkaroon ng isyu sa negosasyon kaya umatras ito sa laban.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May kartadang 32 panalo, 1 talo na may 28 pagwawagi sa knockouts si Berchelt na ngayon pa lamang magdedepensa sa harap ng kanyang mga kababayan sa Cancún, Quintana Roo kaya umaasa siyang tatalunin si Magali.

“I’m ready for whoever, I’m ready to make my second defense before my people, fulfilling my dream. I know that my challenger will come out with everything like every Filipino, ready to die on the line - but I’ll be ready for whatever he brings. The important thing is to win and provide a great show,” sabi ng 25-anyos na si Berchelt sa BoxingScene.com.

May kartada naman ang 31-anyos at tubong Boholna si Magali na 29-9-3 na may 12 panalo sa kncokouts at nangakong iuuwi sa Pilipinas ang WBC super featherweight title na huling hinawakan noong 1980s ni Rolando “Bad Boy” Navarrete.

“It’s a dream opportunity, which I could not turn down. Fortunately I’m always in the gym, and I know who Berchelt is. He’s very good for my style and we’re going to bring the world title back to the Philippines,” diin ni Magali.

Tumanyag si Magali nang patulugin niya sa 12th round si world rated Davey Browne noong 2015 sa Sydney, Australia kung saan isinugod sa ospital ang walang talong Aussie boxer at namatay pagkaraan ng ilang araw.