Ni Annie Abad

TIWALA si Filipino American Mixed Martial Arts Heavyweight Champion Brandon Vera na maisasakatuparang ng Global Citizen ang layunin nitong sugpuin ang kahirapan sa Pilipinas hanggang taong 2030.

Si Vera ay isa sa tatlong hinirang ng One Championship at Global Citizen upang maging ambassador nila kasama sina Canadian Mixed martial artist na si Angela Lee at ang Filipino martial artist na si Eduard Folayang.

Ayon kay Vera, hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok bilang ambassador gayung nakita niya niya ang magandang layunin na kaakibat ng nasabing posisyon.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

“Nang malaman ko that what we’re going to do this for less fortunate people, especially sa mga kids, I did not think twice,” ani Vera.

Nauna na dito ay nakisalamuha si Vera kasama sina Lee at Folayang sa mga pamilya at mga kabataan buhat sa Tondo Manila.

“Helping making a difference when needed most. We got to walked, talked, danced, learned and we fed some of those wonderful children in Tondo,” kuwento pa ni Vera.

Ang Global Citizen ay isang Non- government group na naglalayung makatulong upang masugpo ang kahirapan sa bansa.

A