LOS ANGELES (AP) – Buo na ang Team LeBron James at Team Stephen Curry para sa 2018 NBA All-Star Game.

Sa isinagawang conference call ng league officials nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), ipinahayag nina James at Curry ang napili nila para sa kanilang lineup.

Tulad ng inaasahan, nasa lineup ni James – tangan ang karapatan para sa unang pagpili bunsod nang pagkakaroon ng pinakamaraming boto ng fans – ang karibal sa Golden State Warriors na si Kevin Durant at dating kasangga na si Kyrie Irving. Kinuha rin niya bilang starters sina New Orleans Pelicans Anthony Davis at DeMarcus Cousins.

Hindi naman idinetalye ng four-time NBA MVP kung sino ang kanyang top pick at hiniling na gawing telebised ang pagpili sa All-Star draft.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I can’t tell you that, man. I might have to kill you if I tell you that,” pabirong pahayag ni James sa panayam ni Ernie Johnson. “But I’ll tell you this, this thing should have been televised.”

Ngunit, sa kanyang Twitter account, ipinahayag ni Durant na siya ang unang pinili ni James sa drafting.

Kasama rin sa koponan ni James bilang reserved ang kasanggang si Kevin Love, Thunder guard Russell Westbrook, Washington Wizards backcourt John Wall at Bradley Beal. Kinuha rin niya sina San Antonio Spurs’ LaMarcus Aldridge, New York Knicks’ Kristaps Porzingis at Indiana Pacers’ Victor Oladipo.

Nasa grupo naman ni Curry sina Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo at Philadelphia 76ers’ Joel Embiid bilang starting frontcourt at kasama sina Houston Rockets’ guard James Harden at Toronto Raptors’ DeMar DeRozan.

Hindi rin sinabi ng two-time NBA MVP kung sino ang kanyang top pick at sinangayunan ang suhestyon ni James na gawin ang pilian sa harap ng camera.

Kung nawala sa kanyang lineup si Durant, siniguro naman ni Curry na makakasama niya ang mga kasanggang sina Klay Thompson at Draymond Green. Nasa kanya rin sina Timberwolves Jimmy Butler at Karl-Anthony Towns.

Nasa reserved list niya rin sina Boston Celtics’ Al Horford, Portland Trail Blazers’ Damian Lillard, at Raptors’ Kyle Lowry.

Gaganapin ang 2018 NBA All-Star Game sa February 18 sa Los Angeles.