Ni LITO MAÑAGO

KASAMA sa repertoire ni Julie Anne San Jose sa kanyang forthcoming #Julie concert sa Music Museum sa Sabado, Enero 27 ang hit single niyang Nothing Left mula sa Universal Records.

JULIE ANNE copy copy

Ang naturang awitin ay pumalo agad sa pagiging number one sa iTunes PH chart thirty minutes after it was released; mabibili at mapapakinggan din ito sa iba pang digital stores tulad ng Spotify, Spinnr, Deezer at Amazon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Mahirap din naman kasi kapag ibinigay mo nang lahat,” sabi ni Julie Anne nang humarap sa presscon last Wednesday.

“You have to love yourself first, di ba? ‘Tapos du’n mo malalaman kung ready ka nang magmahal ng todo. But also hindi lang naman dapat naka-focus sa pagmamahal na ‘yun. You also have to focus sa pagmamahal mo sa sarili mo, so basta’t situational po talaga.”

Magiging bahagi ng ginagawa niyang album sa Universal itong Nothing Left at may isa pang OPM na dapat abangan sa album na ayaw pa niyang banggitin ang title.

“Medyo mellow po ito pero same vibe pa rin po. I wrote that song last year pa,” kuwento ng girlfriend ni Benjamin Alves.

“May dalawa po akong compositions sa album,” dagdag pa ng Asia’s Pop Sweetheart. “Actually, ‘yung isa ko pong komposisyon, Tagalog po siya at nakapag-record na po ako. I believe, parang ‘yun po yata ‘yung magiging second single.”

Ano ang pagkakaiba ng concert niya sa Sabado sa past concerts niya?

“Mas intimate po ito. Mas mature. Mas iba ito sa mga nagawa ko na. And I would also want to share this with my supporters. Marami pong inihandang production numbers. I’m performing my single, magkakaroon ng medleys. ‘Yung concert po kasi is about the stages of love, so, parang pre-Valentine concert na rin po ito dahil malapit na rin ‘yung Valentines.”

“‘Yung mga song po na ‘yun, stages of love, getting to know of course, ‘tapos nasa relationship na kayo ‘tapos darating sa buhay ninyo na nag-away na kayo hanggang sa break na kayo -- break up -- and then moving on stage. So each stage po may song or may medley. So hayun po,” kuwento ng dalaga.

So, saan at anong stage na ang relasyon nila ni Benjamin?

“Ah, puwede pong kami na lang ‘yung nakakaalam nu’n? Stage One. Forever stage One, he-he-he...”