halep copy

MELBOURNE, Australia (AP) — Matapos ang mahabang panahong paghihintay at kabiguan, nakausad si Simona Halep sa championship match sa unang pagkakataon sa Australian Open nang gapiin si Angelique Kerber, 3-6, 6-4, 9-7, sa ikalawang women’s semifinals nitong Huwebes.

Dikitan ang laban at kapwa may tsansa ang dalawa na mangibabaw sa loob ng 68 minutong duwelo. Ngunit, mas kinasihan ng suwerte ang Romanian star.

Nasa service play si Halep para makumpleto ang panalo tangan ang 5-3 bentahe, ngunit nagawang mabasag ni Kerber ang 26-stroke rally sa impresibong backhand winner.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Muling ngumiti ang pagkakataon kay Halep tangan ang dalawang match points para tapusin ang laro, subalit nagawang manindigan ni Kerber at mahila ang laro sa marathon match-up sa third set.

“Definitely was very tough. I’m shaking now, I’m really emotional because I could win this match,” pahayag ni Halep.