Ni Chito A. Chavez

Nasa 32,000 bahay sa Quezon City ang makararanas ng walong oras na water service interruption simula ngayong Miyerkules para sa pressure tests ng Manila Water Company.

Ayon kay Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water Company, isasagawa ang pressure tests sa 600 millimeter mainline sa Luzon Avenue sa Barangay Old Balara, bilang paghahanda sa “major activity” sa Luzon Reservoir sa unang bahagi ng Pebrero.

Simula 10:00 ng gabi ngayong Miyerkules hanggang 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng tubig ang mga barangay ng Old Balara, Pasong Tamo, Culiat, Sauyo, at Holy Spirit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20