Oklahoma City Thunder forward Paul George (13) (AP Photo/Sue Ogrocki)
Oklahoma City Thunder forward Paul George (13) (AP Photo/Sue Ogrocki)

LOS ANGELES (AP) – Apat na bagito at isang grupo ng mga pamilyar sa aksiyon ang bumubuo sa reserves para sa 67th All-Star Game.

Pawang first-timer sina New York’s Kristaps Porzingis, Indiana’s Victor Oladipo at Washington’s Bradley Beal mula sa Eastern Conference at si Minnesota’s Karl-Anthony Towns mula sa Western Conference sa 14 players na napili ng mga coach bilang reserved sa All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 18 sa Staples Center sa Los Angeles.

Kasama nina Porzingis, Oladipo at Beal bilang reserves mula sa Eastern Conference sina Boston’s Al Horford, Cleveland’s Kevin Love, Toronto’s Kyle Lowry at kasangga ni Beal sa Washington na si John Wall.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Makakasama naman ni Towns ang mga beterano mula sa West na sina San Antonio’s LaMarcus Aldridge, kasangga niya sa Timberwolves na si Jimmy Butler, Golden State’s Draymond Green at Klay Thompson, Portland’s Damian Lillard at Oklahoma City’s Russell Westbrook.

Naipahayag na nitong nakalipas na linggo ang lineup ng starters.

Team captain ng East si LeBron James, ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa fans voting. Kasama niya mula sa East sina Boston’s Kyrie Irving, Toronto’s DeMar DeRozan, Milwaukee’s Giannis Antetokounmpo at Philadelphia’s Joel Embiid.

Tatayong kapitan naman ng West si Stephen Curry kasama ang kasangga na si Kevin Durant, Houston’s James Harden at New Orleans teammates Anthony Davis at DeMarcus Cousins.

Si James ay may karapatan na unang pumili batas sa bagong regulasyon ng All-Star na ‘alternate pick’ para sa mga starter, habang si Curry ang unang pipili sa reserved list.

Kabilang sa mga star player na na-isnab sa All-Stars sina Thunder forward Paul George at Carmelo Anthony, Mavs center Dirk Nowitzki, LA Clippers forward DeAndre Jordan at Griffin at Houston guard Chris Paul.