Ni Beth Camia
Lumago sa 6.6% ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa huling quarter ng taong 2017, o may kabuuang 6.7% paglago sa nakalipas na taon.
Malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ang sektor ng industiya, na nakapagtala ng 7.3% growth rate para sa fourth quarter ng 2017.
Habang 6.8% naman ang naitalang growth rate sa sektor ng serbisyo.
Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, sa kabuuan ng taong 2017 ay nakapagtala ng 6.7% na paglago sa ekonomiya ng bansa.
Gayunman, ang 6.7% full-year GDP growth para sa taong 2017 ay mas mababa kumpara sa 6.9% na naitala noong 2016.
Sinabi naman ni National Economic Development Authority (NEDA) Director General at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na nananatili ang Pilipinas sa isa sa fastest growing economy sa Asya, kasunod ng China (6.9%) at Vietnam (6.8%).
Ang 2016 at 2017 economic growth rate, ayon kay Pernia, ay maituturing na “strong and steady” para sa 2018 target ng ating pamahalaan.