Ni REGGEE BONOAN

“FINALLY, aamin na si _____ (male singer) sa sexual preference niya. Ang tagal niyang itinago, ha? At least ngayon may peace of mind na siya.”

Ito ang sabi ng aming source na kilalang-kilala na ang singer maging noong hindi pa ito kilala sa showbiz.

Oo nga, Bossing DMB, natatandaan namin na noong lagi naming nakakasama sa provincial shows ang aming source, nabanggit niya sa amin na gay ang singer at itinanong sa amin kung alam na ba ito sa showbiz. Sabi namin, nahahalata naman, pero ayaw umamin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya pala noong makita ng singer na kasama namin ang aming source na kaibigan din niya ay nagulat ito to the maximum level na ipinagtaka namin. At para siguro hindi kami makahalata ay lumapit sa amin ang singer sabay beso.

Bagamat alam na namin ang sexual preference ng singer ay sumakay pa rin kami sa mga gimmick niya noon na may nililigawan siyang girl na hindi naman siya pumasa at kaibigan lang daw ang tingin sa kanya. Hanggang sa nasundan pa ng maraming beses na may iba na siyang gusto at kung anu-ano pa.

Alam naman na sa showbiz ang tunay na pagkatao ni Singer pero since mabait at marespeto sa kapwa ay hinayaan na lang siya at never naisulat ng hindi maganda. Sobrang bait talaga ng taong ito, in fairness.

Matagal na nawala ang singer dahil nangibang-bansa at marahil ay doon siya nakapag-isip-isip na panahon na rin para magladlad siya ng totoong pagkatao niya.

Sabi pa ng aming source na kaibigan ni Singer, “Mabait ang batang ‘yan kaya gusto ko siya.”

Gusto naming batiin ang singer sa nalalapit niyang pag-amin sa harap ng publiko isa sa mga araw na ito.