Ni Reggee Bonoan

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez
BAGO namin tinipa ang item na ito ay pinanood namin sa Facebook Live ang ipinost ng girl Friday ni Sylvia Sanchez na si Floramae ‘Menggay’ Dacua na kuha habang nagmamaneho ang aktres sa Butuan City, Agusan del Norte last Saturday.

 

Walang taping ng Hanggang Saan ang aktres kaya nagkaroon siya ng oras para umuwi sa Butuan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 

Kasama ni Sylvia ang kanyang Mama Roselyn Campo na kapit na kapit sa upuan dahil mabilis ang pagpapatakbo ng anak. Nasa sasakyan din ang may-ari ng Beautederm na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan na nakayakap din sa headrest ng upuan at panay ang sabi ng, ‘Ingat, Ate Jojo (tunay na pangalan ni Sylvia).’

 

Kasi naman parang nakikipagkarera kung magpatakbo ng sasakyan ang aktres. Kaya nga ayaw na siyang pahawakin ng manibela ng asawang si Art Atayde dahil baka maulit na naman ang aksidenteng nangyari noon nang makipagsabayan si Ibyang sa trailer truck na gusto niyang i-overtake, ending sumalpok siya at mabuti na lang hindi siya nagalusan man lang.

 

Pero kapag nasa probinsya ay nakakapagmaneho si Ibyang. Sabi nga niya, “Ang sarap ‘pag wala asawa ko, walang kontrabida kapag nagda-drive ako! walang Freddie (driver) ang saya!”

 

Pero maingat naman daw siya sa pagmamaneho niya sa Butuan dahil, “Mas nakakatakot mag-drive dito kaysa sa Maynila kasi ang mga tao rito hindi marunong mag-signal kung kakanan sila o kakaliwa. Maraming mga motor ditong nayayari (nababangga), kaya ingat talaga. Kaya sobrang ingat nga ako, gusto kong umuwi ng Maynila, ayokong makulong dito si Sonya (karakter niya sa Hanggang Saan). Baka dito ako tuluyang makulong, ano ba?” humahalakhak na sabi ng aktres.

 

Kuwento naman ni Ms Rei sa video, dapat ay noong nakaraang linggo pa sila umuwi ng Butuan City.

“Nu’ng last week hindi tayo natuloy dito kasi may Mama’s Girl, pero sabi ni Girlie (assistant nita), ‘hindi ma’am, hindi tayo natuloy kasi nasa kulungan si Ma’am Sylvia kaya piyansahan muna natin.  Nanonood sila ngHanggang Saan.”

Nang makawala sa asawa’t driver si Sylvia, hayun, joyride ang nangyari sa kanila at ipapasyal daw niya sa palengke si Ms. Rei para matutong mamalengke.

Tiyak na sumaya na naman ang buong palengke ng Barangay Nasipit pagkakita kay Sylvia dahil lahat ay binibilhan niya.

 

Naging saksi kami nang magpunta kami noon sa Pangasinan at dumaan ng palengke si Ibyang. Nagulat kami dahil mula umpisang puwesto hanggang gitna at dulo ay binilhan niya ng isda, karne, tuyo, patis, bagoong, maruya na nakabalot pa sa diyaryo at kinain namin na walang kaartehan, walis tambo, walis tingting, asin, itlog ng pugo, maraming gulay at maraming iba pa. Ending: para kaming sardinas na nagsiksikan sa van considering na malaki pero dahil punumpuno ng mga pinamili niya. Kaya may mga kandong na rin kami.

 

“Para fair sa kanilang lahat para lahat sila masaya, nakita mo naman lahat sila nakangiti,” katwiran ng aktres.

E, sa lahat naman ng lugar na pinupuntahan ni Sylvia ay panic buying siya.

“Ha-ha-ha, hoarder ako, eh.”

 

Umuwi sina Sylvia at Ms Rei sa Butuan para mag-ocular sa planong itatayong Beautederm clinic ng aktres kasama ang mga kaibigan niya roon. Siya ang magiging sole distributor nasabing beauty products doon.