Dadayo sa San Jose Del Monte City sa Bulacan ang Mobile Passport Service ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Marso.

Ayon kay Ronald Soriano, information officer ng lungsod, seserbisyuhan ang mga kukuha at magre-renew ng pasaporte simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Nabatid na Enero 8 pa sinimulan ng City Community Affairs Office ang pagtanggap ng application form ng mga nais mag-avail sa naturang serbisyo. Tatanggapin ang mga aplikasyon hanggang sa Pebrero 15, 2018.

Pinayuhan ni Soriano ang mga aplikante sa pasaporte na ihanda ang mga kakailanganing dokumento, tulad ng authenticated birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority, at alinman sa mga sumusunod na orihinal at valid ID: SSS o GSIS Unified Multipurpose ID, driver’s license, PRC ID, OWWA/ iDOLE Card, voter’s ID, PNP firearms license, senior citizen’s ID; at P1,200 application renewal fee. - Leandro Alborote

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya