Ni Reggee Bonoan

SA sunud-sunod na pamba-bash kay Robin Padilla dahil ipinahiya raw niya ang Koreanong si Jiwan sa audition sa PGT6, pati si Vina Morales isa na rin sa hiningan ng reaksiyon.

Malapit na magkakaibigan ngayon sina Robin, Mariel Rodriguez at Vina.

Matagal nang kilala ni Vina si Robin at naging magkarelasyon pa nga sila noong gawin nila ang pelikulang Ang Utol Kong Hoodlum noong 1991.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa Kapamilya Chat na isa si Vina sa bisita, natanong siya kung paano niya ilalarawan si Robin.

“Paano ko ba ma-describe si Robin sa isang word? Kasi napakabuting tao nito, eh. Naiintriga nga ngayon, eh, kaya please tigilan na ‘yan kasi he really has a good heart.

“He has a good heart, good soul; may puso ‘tong taong ‘to. I really have a soft spot kay Robin and lahat ng mga nagmamahal sa kanya, naiintindihan ‘yung mga napagdadaanan niya ngayon,” pagtatanggol ng singer/actress.

Wala raw masamang intensyon si Robin na ipahiya si Jiwan.

“I’m always supportive to Robin kasi I know how he is, eh. Very straightforward siya pero hindi mo naman kailangan ‘yung mga nagmamahal sa kanya hindi dapat dinidibdib ‘yon kasi kung may payo lang siyang ganoon, you know, let’s take it in a constructive way, di ba?

“Para sa akin, dapat i-stop na kasi may good intention naman ‘yon sa kanya bilang parang tatay katulad ng sinabi niya,” sabi pa ni Vina.

Personal din naming kilala si Robin at mahilig talaga siyang magbigay ng payo sa lahat. Pati nga mga kaibigan niya sa media ay ganito siya, kaya sana hindi ito minasama ng kampo ni Jiwan.