Ni Liezle Basa Iñigo

CAMP MARCELO ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Tatlong sangkot sa ilegal na droga ang nakorner ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Cagayan at Isabela nitong Biyernes.

Nadakma ng pulisya sina Leonardo Tabarrejo Jr, 35, residente ng Barangay Villa Gracia, Buguey, Cagayan; Leah Gaduang, 26, residente ng Bgy. Caggay, Tuguegarao City; at Benjie Ponce, 40, ng Bgy. Bayawan, Dumaguete City.

Dakong 12:45 ng tanghali umano nang makorner sina Tabarrejo Jr. sa Bgy. Ziminita sa Camalaniugan, Cagayan, kasunod nito ang pagkakadakip kay Gaduang sa Bgy. Caggay, Tuguegarao City, at kay Ponce sa Roxas, Isabela.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakumpiska umano mula sa mga ito ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), habang may illegal possession of bladed weapon pang kahaharapin si Ponce.