Phoenix Suns guard Devin Booker, right, keeps the ball away from Denver Nuggets center Nikola Jokic during the second half of an NBA basketball game Friday, Jan. 19, 2018, in Denver. Phoenix won 108-100. (AP Photo/David Zalubowski)

DENVER (AP) — Ginapi ng Phoenix Suns, sa pangunguna ni Devin Booker na kumana ng 30 puntos, ang Denver Nuggets, 108-100, nitong Biyermes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si T.J. Warren ng 25 puntos, habang tumipa sina Josh Jackson at Isaiah Canaan ng tig-16 puntos para tuldukan ang seen-game losing streak sa Nuggets.

Nanguna sa Denver si Jamal Murray na may 30 puntos, habang kumana si Nikola Jokic ng 14 puntos at 17 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

GRIZZLIES 106, KINGS 88

Sa Memphis, Tennessee, naitala nina Dillon Brooks ang career-best 22 puntos, habang tumipa si Ben McLemore ng season-high 21 sa panalo ng Grizzlies kontra Sacramento Kings.

Nag-ambag si Tyreke Evans ng 14 puntos at kumubra si Andrew Harrison ng 12 puntos para sa Memphis.

Nanguna si De’Aaron Fox sa Kings na may 16 puntos at anim na assists, habang humirit si Bogdan Bogdanovic at Vince Carter ng tig-15 puntos.

WIZARDS 122, PISTONS 112

Sa Detroit, ratsada sina Bradley Beal at Kelly Oubre Jr. ng tig-26 puntos sa panalo ng Washington Wizards kontgra Pistons.

Nanguna si Andre Drummond na may 14 puntos, 21 rebounds at walong assists sa Pistons, nabigo sa ikaapat na sunod.

NETS 101, HEAT 95

Sa New York, naisalba ng Brooklyn Nets, sa pangunguna nina DeMarre Carroll at Spencer Dinwiddie na may 26 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod ang Miami Heat.

Natuldukan ng Brooklyn ang five-game skid sa Barclays Center at seven-game home losing streak laban sa Heat.

Nag-ambag sina Caris LeVert at Joe Harris ng tig-12 puntos sa Nets.