Ni Marivic Awitan

WINALIS ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo College, 25-14, 25-19, 25-11,upang makasalo ng Arellano University sa pamumuno sa men’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Pinangunahan ng team skipper Rey Taneo at ng nakababata nitong kapatid na si Sean Taneo ang naturang panalo sa itinala nilang 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Bagama’t nakapagtala na ng apat na panalo, nais ni Altas coach Sammy Acaylar na manatiling gutom sa panalo at kumayod pa ng husto ang kanyang koponan para mapaghandaan ang laban nila kontra Arellano at defending champion St. Benilde na itinuturing na mga balakid sa kanilang championship bid.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I kept telling them to train and prepare harder and not lose focus because we’ve only played four games,” ani Acaylar.

Ang Generals, pinamunuan ni Joshua Mina na may 13 puntos ay bumaba sa patas na barahang 2-2.

Nauna rito sa unior’s division,ginulat ng EAC Brigadiers ang reigning titlist Perpetual Help, 25-18, 25-23, 27-25, upang makasalo ng CSB-La Salle Greenhills sa pangingibabaw hawak ang malinis na barahang 3-0 .