Ni Annie Abad

HANDA nang balikatin ni coach Louie Gonzales ang La Salle Green Archers, matapos na iwanan ni coach Aldin Ayo.

Sinabi ni Gonzales sa isang panayam na nais niyang tutukan nang husto ang kanyang mga manlalaro at sikapin na makabubuti sa koponan at sa bawat isa ang kanyang desisyon na ipatutupad para sa pagbabago ng buong La Salle team.

Inamin ng dating assistant coach na malaking adjustment para sa kanya ang nasabing pagbabago sa koponan, ngunit handa siyang gawin ang lahat para sa ikakaayos ng Archers sa kampanyang muling maghari sa UAAP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Medyo malaking adjustments pero I need to fuel my boys. kailangn maging focus ako sa kanila. I need to know more about my players,” pahayag ni Gonzales.

Tiwala si Gonzales na madaling makakapag-ayos ang kanilang koponan sa nasabing pagbabago gayung buo pa ang main players ng La Salle.