Magdadagdag ang Philippine National Police (PNP) ng 15,000 operatiba ngayong taon upang matugunan ang batayan na dapat ay may isang pulis sa kada 500 tao sa bansa.

Sa kasalukuyang bilang na 187,000 tauhan, katumbas nito ang isang pulis sa kada 651 katao, ayon kay Deputy Director General Archie Gamboa, chief directorial staff ng PNP.

“Our projection is that by the end of this year, we will have 205,000 uniformed personnel… so we are nearing to the standard policeman to population ratio,” lahad ni Gamboa.

Inihayag ni Gamboa na regular na tumatanggap ang PNP ng 10,000 pulis kada taon, at ang karagdagang 5,000 ay upang mapunan ang mga nabakanteng posisyon na bunsod ng mga nagretiro, nagbitiw sa trabaho, attrition at maging nasibak sa serbisyo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ng opisyal na ang mga bakanteng trabaho sa PNP ay may kaukulang malaking suweldo, bunsod ng pagtataas ng buwanang sahod ng mga pulis simula ngayong Enero, na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Mula sa halos P15,000 sahod, ang mga bagong tanggap na mga pulis o may ranggong Police Officer 1 (PO1) ay mayroon na ngayong aabot sa P30,000 basic pay.

Ang mas pinahusay na pagpapatupad ng serbisyo, gayunman, ay hindi nagtatapos sa pagtanggap, at sinabi ni Gamboa na bumibili din sila ng kagamitan para sa PNP. - Aaron Recuenco