color run copy

Ni Ernest Hernandez

SINIMULAN ng Color Manila ang programa sa taong 2018 sa matagumpay na patakbo na nilahukan ng 10,000 runners nitong Linggo sa MOA grounds sa Pasay City.

Nasa ika-anim na taon, may kabuuang 160,000 runners ang nakikibahagi sa torneo.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“We are proud to have brought the colorful fun-run experience to over 160,000 participants for the past six years,” pahayag ni Color Manila VP Justine Cordero.

“Each year, we try to come up with a different concept that our runners will enjoy and would make the experience memorable. Thank you to all our followers, we wouldn’t last this long without your support.”

Nakilahok din ang mga celebrities na tulad nina Kuya Kim Atienza, Ding Dong Dantes, Ico Ejercito, Xian Lim at Sam YG.

“We hope you can continue supporting Color Manila, as we try to introduce new race and fun-run concepts in the near future,” sambit ni Cordero.

Gaganapin ang ikalawang leg ng Manila series sa February 24 – ang CM Blacklight Run – na ilalarga sa McKinley West sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.