Ni Gilbert Espena)

MAGANDA ang salubong ng taong 2018 kay Philippine age group chess champion Daniel Quizon matapos walisin ang mga karibal para makopo ang ng Big Smile Bread Station Open chess title sa Village East, Cainta Rizal.

Magkasalo sa ika-2 hanggang ika-5 puwesto na may tig 4.0 na puntos sina Walt Talan ng Cainta, Rizal, Paulo Aporesto ng Quezon City, Jestoni Arboleda ng Dasmarinas, Cavite at Singapore-based 1996 Philippine Junior champion National Master Roberto Suelo Jr. ng Quezon City. Naiuwi naman ni Abdu Buto ng Cainta, Rizal ang top kiddies award na may naipong 3.0 puntos.

Pangungunahan ni Quizon ang Philippine chess team sa pagtulak ng 2018 China Youth Chess Championship na gaganapin sa Harbin, China sa Enero 23 hanggang 28, 2018.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Philippine Team coach International Master Roel Abelgas, malaki ang posibilidad na makapag-uwi ng medalya ang mga kabataang woodpushers na kinabibilangan din nina Michael Concio, Jerlyn Mae San Diego at Kylen Joy Mordido.

Sina Quizon, Concio, San Diego at Mordido ay miyembro ng Team Philippines na nagkampeon matapos makapagtala ng 83 Golds, 37 Silver at 29 bronze medals sa 18th ASEAN Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2017.