HAGATNA (AP) – Itinaas ng Guam ang smoking age nito mula 18 sa 21 anyos.
Simula nitong Lunes, ilegal nang manigarilyo, mag-vape o bumili ng produktong tabako ang mga indibidwal na wala pang 21, iniulat ng Pacific Daily News.
Ang bagong polisiya ay magkaisang ipinasa ng Legislature at naging batas kahit na walang lagda ng gobernador.
Ang mga mahuhuling ilegal na naninigarilyo ay sasailalim sa mandatory education program na kinabibilangan ng smoking cessation, ayon sa batas.