Hiniling ni Senador Nancy Binay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagpaliban ng apat na buwan ang pagpapalabas ng mga bagong P5 barya upang magkaroon ng sapat na impormasyon ang sambayanan.

Aniya, kahit hanggang Abril ay sapat na ang impormasyon kaugnay sa New Generation Currency (NGC) sa halip na sa orihinal na pagpapalabaas nito sa Enero 18.

“This would give everyone enough time to prepare for the changes,” ani Binay.

Nitong Disyembre, unang tinawag ni Binay ang pansin ng BSP dahil ang bagong P5 barya ay halos kawangis ng luma. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'